Marian, pangarap maging kontrabida

Fake news pala ang balitang tatapusin na ng GMA ang action series ni Dingdong Dantes na The Master Cutter dahil ang totoo, magkakaroon ito ng new season. Inakala kasing ang action series ni Dingdong ang na-blind item na malapit nang magtapos.
Tuloy rin ang guesting sa series ng Kapuso aktor at ang latest na nag-guest ay si Kelvin Miranda. Nabalita ang willingness ni Marian Rivera na mag-guest sa series at open ito sa kontrabida role. Dahil matagal pa ang new series ni Marian, maganda kung pagbibigyan nila ni Dingdong at ng GMA na mag-guest si Marian sa pinapangarap nitong role.
Samantala, may post si Dingdong tungkol sa ipinapatayong studios. Sabi nito, “We’re building a space for creating, collaborating, and bringing ideas to life. And very, very soon, we’ll be opening these doors. Just ring em’...”
Kiko at Sharon, nagmamalaki
Present sina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa premiere night ng EDJOP, ang debut movie ng daughter nilang si Frankie Pangilinan. Kasama ng mag-asawa ang bunso nilang si Miguel Pangilinan. Ramdam ang saya at pagmamalaki ng mag-asawa kay Frankie to be part of this movie.
Opening ng movie kahapon, Sept. 16, 2026, at ang sabi worth watching ang movie, para malaman natin ang biopic ni Edgar Jopson, isa sa mga aktibista at lumaban sa Marcos regime noong Martial Law.
Emman at Prague, sabay magbababu!
Sabay palang magtatapos ang drama series ng TV5 na My Bespren Emman at A Secret In Prague sa Oct. 2. In fact, nasa last three weeks na lang ang airing ng dalawang series, kaya malapit nang malaman ng mga sumubaybay nito ang ending at kung ano ang mangyayari sa mga karakter na kanilang minahal.
Sabay ring nagsimula ang airing ng My Bespren Emman at A Secret In Prague noong April 27.
Aprub sa netizens na almost six months ang airing ng mga series, mabilis natapos. Hindi na raw uso ang mahahabang takbo ng series at matagal bago magtapos.
- Latest

























