^

Pang Movies

Viva, may vivaoke na!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Viva, may vivaoke na!

Patuloy sa pangunguna sa iba’t ibang Filipino digital strea­ming platforms ang Viva Group of Companies na pinamumunuan ng Chairman/CEO na si Boss Vic del Rosario, Jr. sa pamamagitan ng VMX (dating Vivamax) na ang subscription ay patuloy sa pag-arangkada.

Ito’y sinundan ng Viva One na isa ngayon sa mga popular streaming platform na sinundan ng Viva Movie Box (for vertical series) at ngayon naman ang Vivaoke app which was officially launched nung nakaraang September 16, 2026 sa Viva Café na pag-aari rin ng Viva Group of Companies.

Since ginawa nang libangan ng mga Pinoy sa Pilipinas maging sa ibang bansa ang Karaoke, hindi na ito nawawala sa iba’t ibang pagtitipon tulad ng birthday parties, anniversaries, o anumang mahahalagang okasyon na kailangang ipagdiwang. Dahil dito, nakaisip ang Viva Music Group (na pinamumunuan naman ni Verb del Rosario, grandson ni Boss Vic del Rosario) na maglabas na sariling OPM app ang Viva na kanilang tinawag na Vivaoke.

Sa pamamagitan ng bagong Vivaoke app ay hindi na kaila­ngang mag-set-up ng machine para lamang sa mga video minus ones with matching microphones. Sa tulong ng Vivaoke ay makaka-access na ang mga subscribers anytime, anywhere sa kanilang desired OPM classics at current hits.

Napakamura ng subscription rate na nagkakahalaga lamang ng P99/month. Ang one-year subscription ay nagkakahalaga lamang ng P949 at may savings na 239.

VIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with