Angel, may plano na ‘pag yumaman

Nag-turn 28 ang Kapuso actress na si Angel Guardian noong Sept. 6 at marami siyang pinasalamatan sa mga blessing na dumating sa kanyang career. Kabilang na rito ay ang kanyang ina.
“Ina-upgrade ko ’yung lifestyle ko, dahil sa kanila. Nagtatrabaho ako kasi gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay. Ayun, my mom, she’s a very strong woman.”
Simple lang daw noon ang mga pangarap ng aktres. Pero noong dumating ang mga oportunidad, inamin niyang medyo natakot siya sa malaking responsibilidad na kasama nito.
“Kasi minsan masyado tayong natatakot tapos pinipili natin kung saan safe tayo, pero ‘di mo malalaman kung ‘di mo susubukan, so magkakaroon ka pa ng ‘what ifs.’ Okay lang ‘yan, ‘wag ka matakot, kaya mo ‘yan,” sey niya.
Isa nga raw sa natutunan ni Angel ay ang huwag matakot at ituloy ang dapat na kapalaran niya.
“Huwag ka matakot, kaya mo! Okay lang matakot pero gawin mo. Say yes to things kasi ‘yun ‘yung magdadala sa’yo sa path kung nasaan ka dapat,” diin pa niya.
Bukod sa ambisyon niya noon na maging isang piloto at musician, pinangarap din ni Angel na maging veterinarian dahil isa siyang animal lover.
Ultimate dream daw niya ang makapagtayo ng sanctuary para sa rescue dogs and cats.
Dasal pa ni Angel: “Lord, gawin mo akong mayaman kasi gusto ko tumulong. It takes a lot of effort, siyempre financially rin to be able to build a sanctuary, para tumulong sa animals at siyempre sa mga tao rin.”
Felson, aminadong jackpot kay Donita
Sa Sept. 24 ang 4th wedding anniversary ng mag-asawang Donita Rose at Felson Palad.
Sa Instagram post ni Felson, nag-share siya ng happy life nila ng kanyang misis simula noong magkakilala sila at magpakasal. Para nga raw siyang nanalo sa jackpot.
“They say when you hit the jackpot, you don’t keep it — you share it. I didn’t just get a wife. I got a ‘help’ — not someone lower, not someone to serve me, but an equal to seek God with, side by side. That’s Donita. That’s my jackpot. Some people even call me ‘Jack’ now, and honestly? I’ll take it. Afternoon light, tennis court, carrying my wife like the prize she is — this is the good life God gave us,” caption niya.
Sa Amerika nakilala ni Donita si Felson during the COVID-19 pandemic. Dinasal daw niyang “celibate” ang susunod na lalaking pakakasalan niya at nagkataon na “virgin” pa si Felson hanggang sa araw na kinasal sila sa San Clemente, California.
First marriage ni Donita ay kay Eric Villarama in 2003. Nag-divorce sila in 2016.
Tatay ni Miley, nagsalita sa pagtanggal ng kanyang apelyido
May blessing kay Billy Ray Cyrus na i-drop ng anak niyang si Miley ang family name nito.
“MILEY” na lang daw ang name sa paglabas ng bagong album nito na Bass Persuades sa Sept. 18.
“Family means more than ever now. I always called my little girl Miley. Just...Miley,” caption ng 65-year-old Achy Breaky Heart singer sa Instagram.
May lima pa naman daw siyang anak na gamit ang Cyrus: Brandi Cyrus (39), Trace Cyrus (37), Christopher Cody (34), Braison Cyrus (32) and Noah Cyrus (26).
Noong Aug. 31 in-announce ni Miley on social media ang pag-drop ng Cyrus sa pangalan niya.
“It’s a bold new artistic direction and rebranding pivot to launch my 10th album.
“I’m shedding my famous family’s country-pop dynasty branding to position myself as a fully formed, independent auteur,” sey ni Miley.
- Latest




















