Kim, magpapahinga sa Showtime?!

Chikang buntis mas umingay...
Gaano katotoo na binabalak ni Kim Chiu na mag-vacation leave o VL sa It’s Showtime?
Ito kasi ang nasagap na tsika ni Ogie Diaz na ibinahagi niya sa latest episode ng kanyang online show na Ogie Diaz Showbiz Update.
“Ang narinig ko lang naman ay magva-vacation leave si Kim Chiu,” aniya.
“Ang rason daw ay para sa kanyang mental health,” dagdag niya.
Of course, alam din ng mga host ang talk of the town na pregnancy issue kay Kim na hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ng aktres kung totoo ba o hindi.
Kaya naman knows din nila na kung matutuloy ang VL ni Kim, mas lalong titindi ang haka-haka na buntis nga ito.
Sabi naman ni Mama Loi, baka rin naman dahil sa problema ni Kim sa kanyang kapatid na si Lakam Chiu kaya nagkaroon ng mental health issue ang aktres.
As we all know ay pormal na ngang sinampahan ni Kimmy ng kasong 124 counts of qualified theft ang kanyang ate Lakam kamakailan. “Baka isa rin ‘yan sa nagko-cause ng anxiety or stress, ‘di ba? Kaya baka related ‘yun doon sa reason na mental health sa pagbi-vacation leave,” sabi ni Mama Loi.
Nabanggit din ni Ogie na kapansin-pansin daw na walang nagbibiro kay Kim sa It’s Showtime tungkol sa tsikang preggy siya. “Eh uso do’n ang okrayan, uso do’n ‘yung ‘di ba, laglagan?” aniya
“Ang tanong ngayon, bakit hindi natatalakay, and I’m sure, ang mga host ng It’s Showtime, lalo na siguro si Vice Ganda, alam niya na naglalabasan kung may... ‘yung sa baby bump ni Kim Chiu? Bakit hindi siya tinatalakay do’n? Dapat daw sagutin,” sey ni Ogie.
“Lalo na kung hindi totoo,” hirit naman ni Mama Loi.
Pinuna rin nila ang mga OOTD o Outfit of the Day lately ng aktres sa show na balot na balot daw gayung napakahilig nga raw nitong magsuot ng mga mini-skirt or sexy outfit.
Anyway, hanggang sa ngayon ay nananatiling tahimik si Kim tungkol dito kaya lalong hindi mamatay-matay ang issue. Maging si Paulo Avelino na sinasabing boyfriend ng aktres ay wala pa ring pahayag tungkol dito.
Matatandaang nagsimula ang ispekulasyon na preggy si Kim nang mapansin ng netizens na tila may ‘baby bump’ ang aktres sa kanyang belly.
Alden, nagkaroon na ng magandang relasyon kay Vice
Inamin ni Alden Richards na sa unang pagsasama pa lang nila ni Vice Ganda ay naging malapit na agad ang loob nila sa isa’t isa.
Ang aktor ang first guest sa pagbabalik ng Gandang Gabi Vice na mapapanood na sa GMA 7 at naikwento niya ang ilang kaganapan sa set nang mag-taping sila.
Ayon kay Alden, makikita ng viewers ang kanyang true self na may konting pagka-naughty sa programa. Pero kaabang-abang din daw ang mga seryosong pag-uusap nila ni Vice. “I think the serious parts are the ones that they should watch out for kasi something personal,” sey ng Asia’s Multimedia Star sa panayam niya sa GMA 7.
Maganda rin ang naging impression ni Alden kay Vice at puring-puri niya ang Kapamilya TV host. “Senior ko si Vice, and then paying my respects to her. Right after this episode, nagbago na because of how she made me feel and maybe how I made her feel,” sey ng Kapuso actor.
Para naman kay Unkabogable Star, nag-enjoy sila sa kanilang tsikahan ni Alden at nagyayaya pa raw ang aktor na lumabas. “Nag-aaya siya lumabas. Sabi niya, ‘Ituloy natin ‘yung kuwentuhan tutal nag-share na ako sa’yo eh... Marami pang gusto kong i-share sa’yo,’” kwento ni Vice.
Ang madalas daw kasing makasama ni Alden ay ang dyowa niyang si Ion Perez dahil pareho silang cyclists. “Pero ngayon, I would like to believe na na-start na. Nakasa na ‘yung magandang relationship,” sey ni Vice.
- Latest




















