Threshold ng boto sa impeachment dapat linawin na

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Panfilo Lacson na agad linawin ng Senate Impeachment Court ang bilang ng boto na kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Giit niya, dapat resolbahin ito bago dumating sa hatol upang maiwasan ang legal na gusot. Ayon kay Lacson, malinaw sa Konstitusyon na 16 boto o two-thirds ng 24 senador ang kailangan para sa conviction.
Nag-ugat ang usapin matapos talakayin ng mga senator-judges kung ang two-thirds ay nakabase sa lahat ng 24 senador o sa mga aktwal na dadalo sa trial.
“Mas mainam na ma-settle na ito once and for all bago kami mag-render ng desisyon, whether to convict or acquit,” ani Lacson.
Sa unang linggo ng paglilitis, nakatuon pa sa mga procedural issues gaya ng pagpili kay Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer at pagtibay sa Rules of Procedure, kasama na ang mosyon hinggil sa bilang ng boto.
- Latest




















