^

Bansa

Gibo: West Philippine Sea pambansang interes, hindi pulitika!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Gibo: West Philippine Sea pambansang interes, hindi pulitika!
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ngayong Hulyo 12 sa ika-10 anibersaryo ng makasaysayang arbitral ruling, nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga Pilipino na ituring ang West Philippine Sea (WPS) bilang usaping pambansang interes at integridad ng teritoryo—hindi pagkakawatak-watak sa pulitika.

Giit ni Teodoro, ang tagumpay ng Pilipinas sa arbitral ruling ay nagpawalang-bisa sa claims ng Beijing sa South China Sea. Hindi lamang ito panalo ng bansa kundi ng buong mundo. Tugon niya sa mga kritiko: “Hindi basta kapirasong papel ang ruling na ito.”

Nanawagan din ang Kalihim ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa prinsipyo ng soberenya sa WPS.

“We cannot afford consensus but we need convergence. We need purpose against a determined adversary whose relentlessness is uncaring for its own people,” ani Teodoro sa Stratbase forum.

Binigyang-diin niya na sa kabila ng patuloy na harassment at pambu-bully ng China, ang arbitral ruling ay nagsilbing batayan ng pambansang pagkilos upang maging mulat sa karapatan sa dagat—h­indi lang para sa kasaluku­yan kundi para sa susunod na heneras­yon ng mga Pilipino. Dagdag pa niya, mas tumibay ang defense posture ng bansa at du­mami ang mga kaalyadong bansang sumusuporta sa Pilipinas.

Samantala, sa panukala ng Beijing na dapat may pahintulot ng ­China ang pangingisda ng mga Pilipino sa Bajo de Masinloc, mariing sinabi ni Teodoro na hindi ito kailangan ng kasunduan sapagkat ang naturang teritoryo ay pag-aari ng Pilipinas.

GILBERTO TEODORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with