^

Bansa

PNP hospital takbuhan ‘pag inaaresto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PNP hospital takbuhan ‘pag inaaresto
Sen. Rodante Marcoleta
STAR / Ryan Baldemor

Lacson: Akusado naglalabasan mga sakit

MANILA, Philippines — Binira ni Sen. Panfilo Lacson ang umano’y paulit-ulit na “pattern” ng ilang kilalang personalidad na agad na nauuwi sa ospital kapag may warrant of arrest o kapag nako-contempt. Giit niya, tila nagiging takbuhan ang PNP General Hospital para sa mga hindi naman miyembro ng pulisya o kanilang dependents.

Ang pahayag ay ginawa ng senador sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte matapos siyang tanungin tungkol sa mga nakakulong at sa pagkakaospital ni Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder at graft sa Sandiganbayan.

“Since time immemo­rial, ganyan ang nangyayari. Kapag kino-contempt sa Senado, bagsak sa ospital. Kapag may naaresto, bagsak sa ospital. Naglalabasan ang sakit kapag lumabas ang warrant,” ani Lacson sa DZMM.

“When the arrest warrant comes out, so does the medical condition – you name it – pneumonia, high blood pressure, high cholesterol levels. Some require neck braces, ­others have back pains. The di­seases come out when the arrest warrant comes out,” dagdag niya. “Nagiging pattern”.

Nauna nang pinost ni Lacson sa X na “WAR­NING; Bawal magkasak­it. Mahal ang gamot. Bawal magka-warrant. Baka magkasakit”.

Giit ng Senador na ang kanyang obserbasyon ay base na rin sa pangamba ng mga ordinaryong Filipino na kumukuwestyon kung bakit ang ilang personalidad na nahaharap sa kaso ay nako-confine sa ospital sa halip na ikinukulong.

Binanggit din ni Lacson na dapat linawin kung sino ang sumasagot sa gastusin ng mga gaya nina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at Marcoleta habang naka-confine sa PNP-GH. Ang naturang ospital ay may sariling budget mula sa buwis ng taumbayan at nakalaan lamang para sa mga pulis at kanilang dependents.

“May mga PNP members na hindi natatanggap sa PNP-GH, pero may mga hindi pulis na naipapasok. Sino ang nagbabayad para sa kanilang confinement?” tanong ni Lacson.

Plano niyang ihain ang isyu sa 2027 budget deli­berations ng PNP at DILG upang malinawan kung sino ang awtorisadong ma-confine at kung paano binabayaran ang kanilang gamot at pananatili sa ospital.

PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with