SWS: Satisfaction ni Pangulong Marcos nakabawi

MANILA, Philippines — Nakabawi ang public satisfaction rating ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang bahagi ng 2026, mula sa record-low score noong Marso.
Sa resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Hunyo 20-29, lumilitaw na nasa 38% ng mga adult Filipinos ang ‘satisfied’ o kuntento sa performance ng Pangulo, habang 45% ang ‘dissatisfied’ o hindi kuntento habang 17% ‘undecided.’
Nangangahulugan ito ng net satisfaction rating na -7, o paghusay mula sa dating -15 noong Marso 2026, na pinakamababang rating na kanyang natanggap simula nang manungkulan sa puwesto noong Hunyo 2022.
Ang pinakahuling grado ng Pangulo ay nagpapakita ng eight-point increase mula 33% hanggang 38% at pagbaba ng dissatisfaction mula 49% hanggang 45%.
Sa kabila nito, ipinunto ng SWS na nananatili pa ring nasa negatibo ang rating ni Pang. Marcos, na nagpapakita na mas marami pa rin ang mga respondents na hindi kuntento sa kanyang performance.
- Latest





















