^

Bansa

ICC sa kaso ni Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
ICC sa kaso ni Duterte
Composite photo shows the flag of the International Criminal Court and former President Rodrigo Duterte after he was arrested on Tuesday, March 11, 2025.
International Commission of Jurists / Released; Veronica Duterte via Instagram

Pinakamalakas na ebidensya ihanda na

MANILA, Philippines — Tatagal lamang ng tatlong araw ang pagdinig tungkol sa kumpirmasyon ng mga kaso laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte para sa mga kasong crimes against humanity na inihain sa International Criminal Court (ICC).

Kaya dahil dito, sinabi ni ICC spokesman Fadi El Abdallah na, dapat maipakita ng prosekusyon ang pinakamalakas na ebidensya para suportahan ang kaso laban sa dating pangulo kaugnay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon pa kay Abdallah, magpiprisinta ang prosekusyon ng mga ebidensya na kanilang gagamitin para sa kumpirmasyon ng mga kaso at dito rin maaaring maghain ng kontra ebidensya ang depensa at magbibigay ng kanilang mga obserbasyon ang mga abogado ng mga biktima.

Maaari rin aniyang magharap ng mga tesatigo ang parehong prosekusyon at depensa at maaa­ring sumailalim sa cross-examination.

Dahil dito kaya posibleng humarap si Duterte sa mga testigo sa nakatakdang pagdinig sa Set­yembre 23, 2025.

Sa gaganaping pre-trial, maaari rin magdesis­yon ang mga judges ng ICC kung ibabasura ang kaso o itutuloy ang trial laban sa dating pangulo.

Subalit maaari namang abutin ng 60 araw bago mag-isyu ang korte ng desisyon kung itutuloy o hindi ang pagdinig laban kay Duterte.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with