^

Bansa

Motorcade ni Sen. Imee nilangaw? 

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Viral sa social media ang video ng umano’y nilangaw na motorcade ni Sen. Imee Marcos. Batay sa video, wala man lang daw taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni Marcos, na sakay ng isang puting pick-up truck. “Motorcade ni Imee Marcos, nilangaw. 

Walang katao-tao. Pansinin niyo naman si Imee guys,” komento ng isang vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nito ang viral video Wala rin ni isang taong sumalubong kay Imee nang bumaba ito sa sasakyan. 

Ayon pa sa source, inutusan niya ang staff na dumaan sa palengke ngunit kaunti na lang ang dinatnan nilang tao roon dahil hapon na. Ang “nilangaw” na motorcade ni Imee ay kasabay ng patuloy niyang pagbaba sa mga senatorial surveys. 

Sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Marso, nasa ika-16 na puwesto lang si Marcos. Una nang tinawag ng dalawang political analysts na desperadong hakbang ang ginawang pagkalas ni Sen. Imee sa Alyansa ng Bagong Pilipinas senatorial lineup ng administrasyon.

 Iginiit ni Alan German, beteranong campaign political strategist, na ang nasabing hakbang ni Marcos ay para isalba ang kanyang bumabagsak na posisyon sa mga survey. 

Para naman kay Arjan Aguirre, assistant professor sa Ateneo de Manila University, malinaw na inuna ni Marcos ang pansariling interes sa halip na ang katapatan sa pamilya at partido nang magpasya itong kumalas sa partido ng Palasyo.

VIRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->