^

Bansa

Dengue ngayong taon bumaba ng 56 percent - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dengue ngayong taon bumaba ng 56 percent - DOH
Naitala ang 50,727 kaso ng dengue sa unang limang buwan ng taon na mahigit sa kalahati ang ibinaba mula sa 114,308 na naitala sa kaparehong mga buwan noong nakalipas na taon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumaba ng 56% ang mga kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, kumpara sa naitalang mga kaso sa parehong panahon noong 2025, ayon sa Department of Health (DOH).

Naitala ang 50,727 kaso ng dengue sa unang limang buwan ng taon na mahigit sa kalahati ang ibinaba mula sa 114,308 na naitala sa kaparehong mga buwan noong nakalipas na taon.

Naniniwala ang DOH na malaking tulong sa pagbaba ng mga kaso ang paglilinis ng mga komunidad na “4Ts” o “Taob, Taktak, Tuyo, at Takip,” para mawalan ng pinamumugaran at pinangingitlogan ang mga lamok.

Kabilang din ang pagsusuot ng pantalon, long sleeves, medyas at sapatos, at paggamit ng kulambo at mosquito repellent para makaiwas na makagat ng lamok.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na agad na magpakonsulta sakaling makaramdam ng mga sintomas na mataas na lagnat, rash, nausea, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pananakit ng katawan at mata, at pagdurugo ng ilong.

Una nang nagpaalala ang DOH ngayong tag-ulan na ingatan ang sarili laban sa “W.I.L.D” diseases o waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptos­pirosis, at dengue.

DENGUE

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with