Nakawan sa Europe, nakunan ni Mimiyuuh
Alam mo, Salve A., hindi lamang sa Pilipinas uso ang pandurukot kundi rampant din ito sa ibang bansa laluna sa New York, USA maging sa iba’t ibang bahagi ng Europe kaya kailangang maging maingat ang lahat laluna ang mga Filipino tourists sa ibang bansa.
Ang kilalang vlogger at YouTuber na si Mimiyuuuh (Jeremy Lomibao Sancebuche in real life) ay personal na naka-witness ng isang babaeng mandurkot sa Chinatown ng London habang gumagawa ito ng content kasama ang kanyang editor friends. May isa umanong turista na nakitang nakapatong ang cell phone sa mesa at akmang dudukutin ng isang babae pero agad umano ito natunugan ng turista at agad kinuha ang kanyang cell phone. Na-witness din umano ito ng isang babae kaya sinabihan niya ang turista na may gustong mandukot sa kanyang cell phone.
Kung hindi ka mindful sa iyong personal na gamit habang namamasyal ay maaari kang madukutan. Marami na rin tayong mga kaibigan ang nadukutan habang namamasyal sa iba’t ibang bahagi ng Europe laluna sa mga matataong lugar tulad ng Paris at Italy.
Ang tanging lugar na safe ay ang Japan pero may mga nakapasok na ring mga ibang lahi kaya ibayong ingat pa rin ang kailangan.
Gabbi, clueless
Alam ng Kapuso star at isa sa mga host ng tumatakbong Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Collab na si Gabbi Garcia na siya’y magiging guest housemate pero clueless siya kung kailan ito mangyayari kaya nabigla siya nang hindi niya inaasahan na papasukin na siya sa loob ng PBB house. Wala namang nagawa si Gabbi kundi ang tumalima sa gusto ni Kuya where she was given an immediate task bilang housemate. Siya ang nag-announce sa mga nominated duos na ma-evict sa PBB house.
Habang nasa loob ng PBB house si Gabbi bilang guest housemate, nagsimula naman noong isang gabi, March 24, ang kanyang bagong serye sa GMA, ang Slay na pinagbibidahan nila nina Mikee Quintos, Ysabel Ortega at Julie Anne San Juan.
Malaking karangalan para kay Gabbi ang maging isa sa hosts at ngayon ay guest housemate ng PBB na napapanood din sa GMA maging sa iba’t ibang digital platform ng ABS-CBN.
- Latest