^

Punto Mo

Baka hindi n’yo pa alam

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ayon sa mga Norwegian scientist, kaya raw red ang nose ni Rudolph ay dahil sa parasitic infection ng respiratory system.

Ang mga German ang gumawa ng kauna-unahang arti­ficial Christmas na gawa sa kinulayang pakpak ng gansa.

Mula sa analyzed data sa mga posts sa Facebook, two weeks before Christmas ang popular time ng mga magnobyo na mag-breakup. Kaunti lang ang breakup sa Christmas day.

Ang reindeers ni Santa ay panlalaki ang mga pangalan: Blitzen, Comet, Cupid, etc.  For your information ang mga lalaking reindeers ay natatanggal ang antlers sa panahon ng Kapaskuhan. Kaya kung tutuusin, mga babaing reindeers ang humihila sa sleigh ni Santa dahil kitang-kita na malalaki ang antlers nila. Ang reindeers ni Santa ay likhang isip lang ng isang copywriter para sa advertisement ng isang department store.

Noong A.D. 350 idineklara ni Pope Julius, bishop ng Rome na ang Pasko ay ipagdiriwang tuwing December 25.

Ang totoo ay hindi December 25 isinilang si Jesus. Wala ito sa Bible. Kaya naging December­ 25 ay dahil sa proklamasyon ni Pope Julius. May nagsasabing isinilang siya sa panahon­ ng spring at hindi winter.

Ang pagbibigayan ng regalo ay mula sa Christian at Pagan origins. Christian origin: Noong binigyan ng regalo ng Three Wise Men si Jesus. O, ang pagiging mapagbigay ni St. Nicholas, ang 4th century bishop. Sa Pagan origin: May isang pagan holiday kung saan nag-aalay sila ng regalo sa mga gods and goddesses. (Itutuloy)

SCIENTIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with