^

Bansa

Palasyo: Mahihirap, hindi dapat pasanin utang ng bansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Palasyo: Mahihirap, hindi dapat pasanin utang ng bansa
Palace Press Officer Atty. Claire Castro
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi makatuwiran na hingan ng kontribus­yon ang mahihirap na Pilipino upang makatulong sa pagbabayad ng pambansang utang, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na mas nararapat na tulungan ng pamahalaan ang mga nasa laylayan ng lipunan kaysa dagdagan pa ang kanilang pasanin.

Ang pahayag ay kasunod ng mungkahi ni Sen. Alan Peter Caye­tano na mangalap ng mga boluntaryong donasyon upang makatulong sa pagbawas ng pambansang utang na umabot na sa P19.66 trilyon.

“Hindi po reasonable na iyong nasa laylayan ng lipunan ay hingin mo pa ng pag-ambag para sa mga kailangang bayarin ng ating bansa,” ani Castro.

Binigyang-diin rin niya na malaking bahagi ng pondo ng gobyerno ay ginagamit para sa mga programang ayuda at suporta sa mahihirap at iba pang bulnerableng sektor.

Dagdag pa ni Castro, madalas ding humaharap ang bansa sa malalakas na kalamidad na nangangailangan­ ng karagdagang gastusin para sa relief, rehabilitasyon at iba pang serbisyong pang-emergency, na lalo pang nagpapabigat sa gastusin ng pamahalaan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with