^

Probinsiya

Mister binaril ni misis, tepok!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng away..

COTABATO CITY, Philippines – Binaril at napatay ng isang nairitang misis ang kanyang mister gamit ang .45 caliber pistol sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa kanilang tahanan sa Barangay Pansud, Lebak, Sultan Kudarat nitong Sabado.

Ayon sa mga lokal na opisyal at ng  Lebak Municipal Police Station, agad na nadisarmahan at naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis sa nasabing lugar.

Sinabi ng mga police investigators at barangay officials sa mga mamamahayag na ­unang narinig ng mga kapitbahay ang sigawan ng mag-asawa bago sila nakarinig ng mga putok ng baril. 

Ayon sa pulisya, kinuha ng suspek na kinilala sa alyas na “Cel”, ang nakatagong baril ng mister sa kanilang kuwarto, matapos siyang magalit nang saktan at sampalin siya sa mukha sa kanilang pag-aaway.

Ang biktima na kilala sa kanilang lugar sa tawag na “Win” ay idineklarang dead-on-the-spot sa nasabing pamamaril.

Desidido naman ang kaanak ng mister na maghain ng kaso laban sa ginang.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with