^

PSN Palaro

San Beda sasalo sa liderato

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
San Beda sasalo sa liderato
Nasa pangalawang puwesto ng Group A ang San Beda tangan ang 8-3, karta, makakaharap nila ngayong alas-5 ng hapon ang Lyceum of the Philippines University na lalaruin sa FilOil Arena sa San Juan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Puntirya ng defen­ding champion San Beda University na sakmalin ang pang-apat na sunod na panalo upang kumapit sa tuktok ng team standings sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament.

Nasa pangalawang puwesto ng Group A ang San Beda tangan ang 8-3, karta, makakaharap nila ngayong alas-5 ng hapon ang Lyceum of the Philippines University na lalaruin sa FilOil Arena sa San Juan.

Pahirapan ang naging panalo ng Red Lions sa huli nilang laro kung saan ay apat na puntos lang ang kanilang lamang nang talunin ang tigasing Mapua University, 61-57 noong Oktubre 29.

Kasalo ng SBU sa No. 2 spot ang College of Saint Benilde habang solo sa unahan ang Jose Rizal University na may 9-3 baraha.

Importante ang magi­ging laban ng Red Lions sa Pirates dahil malaki ang tsansa nila na makasilo ng twice-to-beat advantage sa susunod na phase.

Muling sasandalan ng Red Lions sa opensa sina Dan Marcelo, John Bonzalida at 6-foot-4 small forward, Aldous Torculas pagsimula ng kanilang laro laban sa Pirates.

Samantala, magtatapat sa alas-3 ng hapon ang Letran at Emilio Aguinaldo College.

Mag-isa sa unahan ng Group B ang Knights karga ang 8-3 card habang nakatambay sa pangatlo ang Generals pasan ang 5-6 record.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with