Doncic, Lakers pinalamig Heat
LOS ANGELES — Kumolekta si Luka Doncic ng 42 points, 13 assists t pitong rebounds para muling banderahan ang Lakers sa 138-117 pagpapalamig sa Miami Heat.
Ito ang pang-limang sunod na laro na umiskor si Doncic ng higit sa 37 points para sa Los Angeles (6-2) matapos maglista ng 45 points at 15 assists sa kanilang panalo sa Toronto Raptors kamakalawa.
Nagdagdag si Austin Reaves ng 27 points at humakot si Walker Kessler ng 15 points at 15 rebounds.
Naglista si Giannis Antetokounmpo ng 30 points, 12 rebounds at pitong assists para sa Miami (2-5) na bigong makadalawa matapos ang 0-5 pasimula sa season.
Umiskor si Klay Thompson ng 19 points at may 16 markers si Bam Adebayo para sa Heat.
Sa iba pang laro, wagi ang Oklahoma City Thunder sa Cleveland Cavaliers, 117-112; panalo ang Detroit Pistons sa Charlotte Hornets, 124-91; lusot ang Atlanta Hawks sa Indiana Pacers, 108-104; pinadapa ng New York Knicks ang Brooklyn Nets, 103-90; tinalo ng Washington Wizards ang Orlando Magic, 103-94; dinaig ng Philadelphia 76ers ang Chicago Bulls, 126-107; pinatumba ng Sacramento Kings ang Dallas Mavericks, 115-100; nakatakas ang New Orleans Pelicans sa Memphis Grizzlies sa overtime, 135-134; nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Milwaukee Bucks, 112-100; at binomba ng Houston Rockets ang Boston Celtics, 109-93.
- Latest




















