^

Metro

20% diskuwento sa senior, dapat ibigay kahit may promo — Solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
20% diskuwento sa senior, dapat ibigay kahit may promo — Solon
Dahil dito, naghain si Ordanes ng House Bill No. 00428 upang linawin ang pagpapatupad ng diskuwento matapos makatanggap ng mga reklamo na hindi umano napakikinabangan ng mga nakatatanda ang kanilang benepisyo dahil sa mga promotional offer.
Image by Sabine van Erp from Pixabay

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na dapat pa ring ipagkaloob ang 20 porsiyentong diskuwento sa mga senior citizen kahit may promo ang mga establisyemento.

Dahil dito, naghain si Ordanes ng House Bill No. 00428 upang linawin ang pagpapatupad ng diskuwento matapos makatanggap ng mga reklamo na hindi umano napakikinabangan ng mga nakatatanda ang kanilang benepisyo dahil sa mga promotional offer.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010, may karapatan ang mga senior citizen sa 20% discount at value-added tax (VAT) exemption sa mga kuwalipikadong transaksiyon.

Saklaw ng benepisyo ang pagbili ng pagkain sa mga restawran, pananatili sa mga hotel, at iba pang tuluyan, pagsakay sa pampublikong transportasyon, pagbili ng mga gamot at bitamina, at panonood ng sine at konsiyerto.

Binigyang-diin ni Ordanes na hindi dapat gamiting dahilan ang mga promo upang ipag­kait ang benepisyong nakasaad sa batas. Hinimok niya ang mga establisyemento na igalang ang karapatan ng mga senior citizen at tiyaking naipatutupad ang kanilang mga pribilehiyo.

SENIOR CITIZENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with