Panelo: Pagbawi sa 3 articles dahil sa kawalan ng basehan
MANILA, Philippines — Naniniwala ang kampo ni Vice President Sara Duterte na ang ginawang pagbawi ng prosekusyon sa tatlong articles of impeachment nitong Martes ay isang pag-amin na sa simula pa lamang ay wala nang basehan ang mga alegasyong ibinabato nila sa bise presidente.
“The withdrawal is an admission that the allegations lacked basis from the very beginning,” ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni VP Sara sa isang pahayag.
Iginiit din ni Panelo na ang naturang hakbang ng prosekusyon ay injustice at pag-deny ng due process kay VP Sara dahil mistulang pinagkaitan ito ng pagkakataon na kumprontahin ang mga akusasyon sa kanya at magprisinta ng counter evidence sa Senate impeachment court.
Samantala, kinuwestiyon din ni Panelo ang tila pananahimik ng senator-judges sa majority bloc sa pag-aaksaya ng oras ng prosekusyon, gayundin ng government resources para sa pagpiprisinta ng ebidensiya sa mga articles of impeachment na malaunan ay iwi-withdraw rin pala nila. Sinabi ni Panelo na ang halaga ng pagtalakay sa Articles I at IV pa lamang ay lampas na ng P1 bilyon.
“What is equally troubling, however, is the lack of outrage by the Senate majority. Hindi ba nasayang ang oras ninyo?” ani Panelo.
“Hindi ba kayo nanghihinayang na nagamit sana ang panahon para tugunan ang mga kritikal na pangangailangan ng bansa? Hindi ba kayo nagagalit na nagwaldas ang prosekusyon ng perang kasing laki o mas malaki pa sa confidential funds na linustay diumano ni VP Sara, na hanggang ngayon at kailanman ay hindi nila mapapatunayan?” anito pa.
“The silence is deafening. Huwag naman kayong masyadong halata,” aniya pa.
- Latest
























