^

Bansa

Metro Manila Subway 60% tapos na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula sa dating isa’t kalahating oras, inaasahang magiging halos 40 minuto na lamang ang travel time mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay sa sandaling maging ganap nang operational ang Metro Manila Subway Project (MMSP).

Kahapon ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ng MMSP-NAIA Terminal 3 Station na bahagi ng Contract Package 109 para sa pagtatayo ng underground station at mga connecting tunnel sa pagitan ng Taguig at Pasay. Magkakaroon ang istasyon ng direktang rail connection sa NAIA 3, na magbibigay ng mas mabilis at maginhawang biyahe para sa mga pasahero, manggagawa, at turista

Bahagi ang MMSP ng patuloy na modernisasyon ng railway system ng bansa, na naglalayong mapabuti ang mobility at connectivity sa Metro Manila at mabawasan ang oras na inilalaan ng mga Pilipino sa biyahe. Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, 60% tapos na ang nasabing proyekto at maseserbisyuhan nito ang may 70,000 pasahero araw-araw.

MMSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with