^

Metro

Leptospirosis, epidemya na sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Leptospirosis, epidemya na sa Maynila
Knee-deep floodwaters submerge parts of España Boulevard in Manila as the southwest monsoon or “habagat” continues to bring heavy downpour on August 17, 2026.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Itinuturing nang nasa epidemic condition ang leptospirosis sa Maynila matapos lumampas sa epidemiologic threshold ang mga kaso ng sakit sa lungsod.

Sa kanyang report kay Manila  Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinabi ni Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla na tumaas sa 3.48% ang attack rate mula sa 1.27% noong nakaraang linggo, indikasyon ng mabilis na pagdami ng mga kaso.

Dahil dito, umabot na sa full capacity ang ilang district hospitals, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos General Hospital, dahil sa pagdagsa ng mga pasyente.

Nabatid sa datos ng MHD na may 12 bagong kaso ng leptospirosis ang naitala hanggang kahapon, Setyembre 7 kaya umakyat sa 982 ang kabuuang kaso mula Enero 1.

Agad namang inutos ni Domagoso ang pagpapaigting ng kampanya laban sa leptospirosis, kabilang ang information drive at pamamahagi ng libreng doxycycline sa mga posibleng nalantad sa kontaminadong baha.

Magagamit ang libreng doxycycline sa 44 health center at pitong district hospital ng lungsod, ayon sa lokal na pamahalaan.

Muling nagbabala ang MHD sa publiko na iwasang lumusong sa baha, lalo na kung may mga sugat sa katawan, upang maiwasan ang leptospirosis.

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with