^

Metro

Sunog sa Mandaluyong: 3 paslit todas!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Mandaluyong: 3 paslit todas!
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Mandaluyong, natanggap nila ang tawag dakong alas-7:30 ng gabi at agad namang naapula. Subalit sa kuwarto sa ika-apat na palapag, natagpuan ang magkapatid habang ang kamag-anak ay nakalabas ng silid at naisugod pa sa pagamutan subalit binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga paso, sugat, at suffocation.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang magkapatid na 2 at 4 na taong gulang na paslit habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang 7-anyos na kaanak makaarang ma-trap sa sunog na naganap sa isang 4-storey apartment sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, kama­kalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Mandaluyong, natanggap nila ang tawag dakong alas-7:30 ng gabi at agad namang naapula. Subalit sa kuwarto sa ika-apat na palapag, natagpuan ang magkapatid habang ang kamag-anak ay nakalabas ng silid at  naisugod pa sa pagamutan subalit binawian din ng buhay  dahil sa tinamong mga paso, sugat, at suffocation.

Sa inisyal na ulat, sa mismong ika-apat na palapag nagsimula ang apoy na naapula ilang minuto lamang dahil sa pagresponde ng mga bumbero.

“Yung dalawa, talagang na-trap na sila sa loob, yung 2 years old and 4 years old. Yung 7 years old nagawa pang makagapang palabas nung kwarto, nang makita siya ng mga responder natin, dinala agad siya sa ospital,” sabi ni Fire Senior Inspector Bryan Acidre Pillula, Chief Operations ng BFP Mandaluyong. Nasa trabaho umano ang mga magulang ng mga biktima at naiwan ang mga bata.

Wala namang nada­may na iba pang bahay sa sunog dahil yari sa konkreto ang sangkot na bahay.

Patuloy pang inaa­lam ang sanhi ng sunog.

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with