^

Metro

5 sugatan sa gumuhong bahay sa Binondo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang limang katao matapos gumuho ang bahagi ng isang bahay sa Sevilla St., Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagtamo ng sugat, galos at pasa ang mga biktima matapos tamaan ng bumagsak na semento dakong alas-9 ng gabi.

Kabilang sa mga tinamaan ng debris ang ilang nagtitinda ng inumin, kabilang ang isang 50-anyos na babae, 14-anyos na binatilyo at 29-anyos na babae.

Batay sa mga saksi, gumuho ang harapan ng bahay mula sa ikalawang palapag na balkonahe, dahilan para bumagsak ang malaking bahagi ng istraktura. Agad namang tinulungan ng mga residente ang mga biktima at nilapatan ng lunas.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagguho ng bahay na sinasabing luma na. Sa CCTV, makikitang nagtakbuhan ang mga tao nang biglang bumagsak ang bahagi ng istraktura.

MDRRMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with