^

PM Sports

Student Regent bumawi sa Prince Cup

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate na kabisado nitong patakbuhin ang  Student Regent matapos nilang sikwatin ang korona sa naganap na 2026 MMTCI 2nd Leg Prince Cup na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Malayong nagwagi ang Student Regent kaya naman nabawian nito ang Auto Cruise na siyang nanalo sa first leg, pero ang sumakay sa una ay ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.

Base sa komento ng mga karerista malaking bagay ang pagkambiyo ng hinete sa pagkakapanalo ng Student Regent dahil mas kabisado ni Zarate  patakbuhin ang kabayo.

Paglabas ng aparato ay dinamba agad ng Top Player ang unahan subalit sinundan agad ito ng liyamadong Auto Cruise habang nagmamasid sa tersero puwesto ang Student Regent.

Bakbakan sa unahan ang Top Player at Auto Cruise sa kalagitnaan ng karera, nasa pangatlo pa rin ang Student Regent subalit habang papalapit sa far turn ay lumalapit na ang winning horse.

Nasilayan ng mga karerista ang magandang galaw ni Zarate dahil magaan nitong naagaw ang bandera at sa far turn pa lang ay nasa apat na kabayo na agad ang lamang nila ng Student Regent.

Kaya naman pagsungaw ng rekta ay halos wala ng makahabol sa Student Regent at tinawid ang meta ng may halos 10 kabayo ang agwat sa pumangalawang Windmill Of Summer, pangatlo ang Dame Of Pania habang pang-apat ang Auto Cruise.

Nirehistro ng Student Regent ang tiyempong 1:35.8 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na sina Joseph Dyhengco at Ceasar Daniel Castro ang P2-M premyo.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with