^

PM Sports

I Dominate paparada sa 3YO Maiden race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatagisan ng bilis ang siyam na mahuhusay na batang kabayo sa paglarga ng 3-Year-Old & Above Maiden Race (Placer) na itatakbo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Posibleng magpakitang gilas ang kalahok na I Dominate at Deep Purple na sasakyan nina reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez at JD Calagos, ayon sa pagkakasunod.

May distansyang 1,200 meter race, ang ibang tigasing kalahok ay ang Capricious, Calampinay Beach, Bossing Key, Rock Steady, Kampil, Lake Nailig at Storm Dancer na gagabayan ni jockey Lester De Jesus.

Base sa komento ng ibang karerista sa social media, napipisil din nila na suportahan ang Bossing Key at Lake Nailig.

Inaasahang makakapanood ng magandang laban ang mga karerista dahil maugong sa karerahan na mahuhusay ang mga tatakbo at may kanya-kanyang angking galing.

Subalit posibleng magbago ang kondisyon ng mga kabayo dahil sa panahon, isa sa dahilan ay ang pagiging bata, maaaring ang iba ay hindi sanay manakbo sa putikan.

Kaya tiyak na pag-aaralan ito ng mga karerista, inaasahang magtatanung-tanong din ang ibang mananaya sa mga karerista para makasilip ng tatayaan.  

RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with