^

Metro

DLSU student hulog sa campus building, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang incoming student ng De La Salle University (DLSU) matapos na mahulog mula sa kanilang Manila campus building sa Malate, Manila kahapon ng tanghali.

Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang 18-anyos na babaeng biktima, na huling naitalang nanunuluyan sa Female Athletes Dormitory ng unibersidad.

Batay sa ulat ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District (MPD), dakong alas-12:57 ng tanghali nang maganap ang insidente sa 10th-floor ledge ng gusali na nasa tabi ng Enrique Razon Sports Complex, at matatagpuan sa Noli Agno St., kanto ng F. Reyes St., Malate.

Lumilitaw sa imbestigasyon na isang concerned citizen ang nakakita sa biktima na nasa naturang lugar kaya’t inireport sa security personnel.

Kaagad naman umanong nagtungo sa security sa lugar at nakitang nakahiga ang biktima sa gilid ng ledge ngunit malaunan ay gumulong hanggang sa tuluyang mahulog. Mabilis ring rumesponde ang doktor ng unibersidad ngunit idineklarang patay na ang biktima.

Samantala, sa kabilang panig, kinumpirma na rin naman ng DLSU ang pangyayari at tiniyak na nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng biktima at sa mga awtoridad hinggil dito.

Umapela rin naman ang pamunuan ng unibersidad sa publiko ng kooperasyon sa pagpapanatili ng isang supportive at compassionate environment, bilang irespeto sa estudyante at sa privacy ng kanyang pamilya sa sensitibong panahong ito.

DLSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with