^

PM Sports

Auto Cruise hinangaan sa karerahan

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng Auto Cruise na siya ngayon ang isa sa mahuhusay na kabayo sa industriya ng karera matapos manalo sa 2026 MMTCI 1st Leg Prince Cup na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Kontrabarata sa bentahan kung saan ay liyamado muna ang minama­galing na Student Regent bago lumaki ang sales ng Auto Cruise nang malapit na ilarga ang karera.

Parang rabbit na kuma­ripas ang Tabby Kat pagbukas ng aparato, hindi naman pinatulan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio “The Doctor” Dilema at ipinuwesto lang ang sakay na Auto Cruise sa segundo habang naka-abang sa tersero ang Student Regent.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay lamang ang Tabby Kat ng dala­wang kabayo sa humaha­bol na Auto Cruise, nasa tersero pa rin ang Student regent na ginagabayan naman ni reigning PSA-JoY Jonathan Basco Hernandez.

Pagsapit ng far turn ay umaagaw na ng bandera ang Auto Cruise kaya naman napilitan si Hernandez na pakawalan na rin ang Student Regent.

Naungusan ng Auto Cruise ang Tabby Kat papalapit sa huling kurbada para tawirin ang finish line ng may dalawang kabayo ang layo sa segundang Student Regent, tersero ang Windmill Of Summer habang pumang-apat ang Tabby Kat.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with