^

Metro

Isko: ‘Walang imposible sa taong gustong magbago’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang kanyang sariling buhay ay patunay na may kapangyarihan ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong taos-pusong nagnanais magbago.

Sa kanyang mensahe sa 1st PPA-NCR Criminal Justice Stakeholders’ Conference na ginanap sa The Manila Hotel bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Parole and Probation Administration (PPA), sinabi ni Domagoso na posibleng mabago ang buhay ng isang tao kung sinsero ito at may pangarap sa buhay.

Aniya, hindi biro ang kanyang mga pinagdaanang buhay mula sa pagiging basurero at paglaki sa Tondo hanggang sa pagiging artista at kalaunan ay alkalde ng Maynila. Bagama’t lumaki siya sa kapaligirang puno ng tukso at masasamang impluwensiya, pinili niyang tahakin ang tamang landas, dahilan upang mabago ang takbo ng kanyang buhay.

Ayon sa alkalde, mahalaga ang programa ng parole at probation dahil nagbibigay ito ng panibagong pag-asa sa mga taong nais magsimulang muli. Ang tunay na hustisya ay hindi lamang tungkol sa pagpaparusa kundi sa pagbibigay rin ng pagkakataon sa isang tao na maituwid ang kanyang buhay at maging kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.

Binigyang-diin din ni Domagoso na dapat samahan nang mahigpit na pagpapatupad ng batas ang paniniwalang may kakayahang magbago ang isang taong nagsisisi sa kanyang pagkakamali.

Sa pagtatapos ng programa, tinanggap ni Domagoso ang Plaque of Recognition na iginawad ng PPA sa Lungsod ng Maynila at nangakong patuloy na makikipagtulungan ang pamahalaang lungsod sa ahensya upang maisulong ang rehabilitasyon at matagumpay na reintegrasyon sa lipunan ng mga nasa ilalim ng parole at probation.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with