^

Metro

Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa UPI rally

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang kalsada sa Maynila ang pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko kasunod na rin nang nakatakdang pagdaraos ng rally ng United People’s Initiative (UPI) bukas, Linggo, Hulyo 26.

Batay sa inilabas na  abiso ng Manila City Government, 6 ng hapon ngayong Sabado, Hulyo 25 ay magsisimula na ang implementasyon ng road closures. Bandang Chino Roces Bridge Mendiola, sarado ang kahabaan ng Claro M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes St. hanggang Mendiola St., gayundin ang kahabaan ng Legarda St. mula Figueras St. hanggang San Rafael St.

Sa Liwasang Bonifacio naman, sarado ang kahabaan ng  Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge habang sarado rin ang Ayala Bridge at eastbound lane ng Ayala Boulevard mula San Marcelino St. hanggang Romualdez St. habang sa MacArthur at Quezon Bridges, sarado rin ang southbound lanes ng MacArthur Bridge mula Plaza Lacson hanggang Liwasang Bonifacio; Quezon Boulevard mula A. Mendoza St./Fugoso St. at Quezon Bridge hanggang Liwasang Bonifacio; Lerma St. mula España Boulevard/P. Campa St. hanggang A. Mendoza St.

Samantala, nakatakda ring magpatupad ng traffic rerouting schemes ang mga awtoridad upang maiwasan ang posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa road closures at rally.

Pinayuhan din naman ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe para sa nasabing araw.

Hinikayat din nila ang mga ito na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang posibleng abala.

RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with