^

Probinsiya

16-anyos nahulihan ng 9mm sa iskul

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
16-anyos nahulihan ng 9mm sa iskul
Ang baril na bibit ng Grade 8 student sa school.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasilat ang posibleng pagdanak ng dugo makaraang maharang ang isang 16-anyos na estudyanteng biktima ng bullying habang bitbit ang baril ng sundalong kapatid nito sa isang pampublikong eskuwelahan sa high school sa Tupi, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng South Cotabato Police, ang estudyante, Grade 8 sa Tupi National High School ay nahuli dakong alas-4 ng hapon noong Hulyo 7 sa labas ng premises ng eskuwelahan.

Base sa imbestigas­yon, isang empleyado ng munisipyo ang nakakita sa nasabing estudyante na may bitbit na handgun habang naglalakad sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan malapit sa eskuwelahan.

Agad naman itong inireport sa pulisya ng nasabing empleyado at dito na naalerto ang mga pulis na agad hinabol ang estudyante na matagumpay naman na ina­butan bago pa man ito makapaghasik ng lagim sa naturang paaralan.

Nakumpiska sa estudyante ang isang Glock 17 9mm pistol na may dalawang magazine na may 32 rounds ng bala na ayon sa estudyante ay nakaisyu sa utol nitong isang aktibong miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa 6th Infantry Battalion ng Armys 6th Infantry Division (ID).

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng pulisya na kinuha ng 16-anyos ang baril ng kapatid ­nitong sundalo na lingid sa kaalaman ng huli upang gamitin umanong self defense laban sa isang grupo ng mga estudyante na nambu-bully sa kaniya at umano’y may mga patalim.

Sa inisyung pahayag ni Tupi Mayor Romeo Tamayo, anuman ang dahilan ng estudyante na umano’y nabu-bully ay hindi pa rin tama na magbitbit ito ng armas kaugnay ng hangarin ng pamahalaang lokal na pairalin ang peace and order sa mga paaralan.

Samantalang dahilan sa menor-de-edad, ang estudyante ay isinailalim na sa kustodya ng Municipl Social Welfare and Development Office.

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with