^

PSN Palaro

VNL hahataw na!

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsisimula ngayong araw ang paluan ng bola sa Philippine leg ng Women’s Volleyball Nations League (VNL) na lalaruin sa Philsports Arena sa Pasig.

Pakay tirisin ng world No. 7 USA ang Dominican Republic sa alas-12 ng tanghali, magtatapat sa alas-4 ng hapon ang Czechia at Italy habang sa alas-8 ng gabi ang labanan sa pagitan ng Japan at Serbia.

May tig 12 laro sa group stage ang bawat teams na kasali, sasampa sa finals sa Macau ang top eight.

Nagsidatingan na sa bansa ang mga kampeon at medalists sa international tournaments para lahukan ang Philippine leg ng Women’s Volleyball Nations League (VNL).

Masisilayan sa mga teams na kasali ang World No. 1 at reigning VNL champion Italy kaya asahang magsasaya ang mga Filipino fans sa pagbabalik ng FIVB sa Pilipinas.

Bitbit ng VNL silver medalist noong 2024 na Japan ang 4-0 win loss record sa Philippine leg na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Ptrick “Pato” Gregorio.

Habang may tig 3-1 karta ang bitbit ng Italy,  three-time champion US at world No. 13 Czechia.

Kinapitan ng Japan sina skipper Mayu Ishikawa, Yoshino Sato at Yukiko Wada, pinulbos nila ang  France, Ukraine, Germany at Canada.

Ibabangga ng Italy sina Ekaterina Antropova, Merit Adigwe at Loveth Omoruyi, kinalos nila ang Bulgaria, Netherlands at Turkiye bago lumuhod sa Brazil. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with