^

Metro

Diesel tataas ng P4.50/L sa susunod na lingo

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

P1.50/L rollback sa gasoline

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel ng hanggang P4.50 kada litro habang may rollback naman ang presyo ng gasolina ng P1.50 kada litro sa susunod na linggo.

Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang oil industry source na inaasahan na nila ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Nakaapekto ang pagtaas ng presyo ng krudo at mga produktong petrolyo ngayong linggo dahil sa pangamba sa posibleng matagalang pagkaantala ng suplay kasunod ng pagkakahinto ng usapang pangkapayapaan at panibagong banta ng Iran na tuluyang isara ang Strait of Hormuz.

Dagdag pa ang pa­ngamba na maaaring umabot sa kritikal na antas ang pandaigdigang imbentaryo ng langis kung magpapatuloy ang kasaluku­yang bilis ng pagbaba ng mga reserba.

MOPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with