^

Metro

Bungangera, tsismosang misis pwedeng hiwalayan - SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bungangera, tsismosang misis pwedeng hiwalayan - SC
Ito naman ang nilalaman ng desisyon na inilabas ng Korte Suprema na pinonente ni Associate Justice Antonio Kho habang hindi pa pinapayagan sa Family Code ang absolute divorce.
Philstar.com / Erwin Cagadas, file

MANILA, Philippines — Maaaring hiwalayan ng isang mister ang kanyang misis kung ito ay bungangera, tsismosa, dominante at may mapang abusong pag-uugali.

Ito naman ang nilalaman ng desisyon na inilabas ng Korte Suprema na pinonente ni Associate Justice Antonio Kho habang hindi pa pinapayagan sa Family Code ang absolute divorce. Nakasaad din na maaari namang legal na maghiwalay ang mag-asawa na hindi apektado ang pagiging kasal.

Ang desisyong ito ay tungkol sa G.R. No. 24367 ng mag-asawang ikinasal noong 2003 na nagkaroon ng dalawang anak. Sa record, nagbebenta ng kape ang misis at nag-aaral ng nursing ang mister sa pangarap na madala ang pamilya sa abroad.

Nakaranas ang mister ng pagkukuripot ng misis at hindi pinayagan na gastusan ang pagpapa­gamot sa sakit ng ngipin at ipa-root canal. Rek­lamo rin ng mister na sa isang party, ipinagkakalat pa ng misis sa mga kaibigan na puputulan siya ng ari dahil hindi na sila nagtatalik.

Hindi rin pumayag ang misis na sumailalim sila sa marriage counselling.

Depensa ng misis, irritable, mareklamo at mas madalas ang oras ng mister sa study room para sa computer work at panonood at umuuwi ng late sa bahay ga­ling sa mga kaibigan na madalas sa resto-bars at iba pang gimik.

Noong 2017 pinaburan ng Regional Trial Court (RTC) ang sa mababang korte, pinaburan ang mister, nagmosyon ang misis at ibinasura kaya umakyat sa Court of Appeals kung saan nabaligtad ang desisyon.

Nang iakyat naman ng mister ang kaso sa SC, binaligtad naman ang hatol ng CA.

Iniutos din ng SC sa RTC ang dissolution at liquidation ng kanilang mga ari-arian alinsunod sa ­Article 63 ng Family Code.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with