Dizon: Paghahanap ng accountability sa flood control scandal, tuloy
Mga Discaya walang lusot
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na patuloy ang pamahalaan sa pagpapanagot sa mga taong nasa likod ng maanomalyang flood control projects sa bansa katuwang ang Office of the Ombudsman.
Ang paniniyak ay ginawa ni Dizon kasunod nang naganap na palitan ng liderato sa Senado kahapon at pangamba ng ilan na maisasantabi na ang flood control probe ngayong hindi na si Sen. Panfilo Lacson ang mamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee, na nag-iimbestiga rito.
Marami ring nangangamba na mapapalaya mula sa pagkadetine sa Senado ang isa sa mga pangunahing personalidad na isinasangkot sa anomalya na si Curlee Discaya.
Binigyang-diin pa ni Dizon na hindi makakatakas sa prosekusyon ang mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.
- Latest
















