^

Metro

Away sa negosyo sinisilip na motibo - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpatay kay Perry Mariano

MANILA, Philippines — Sinisilip ng Philippine National Police (PNP) ang away sa negosyo sa pamamaslang sa negos­yante at tinaguriang Night Club King na si Perry Mariano at sa driver nito sa Quezon City.

Ayon sa PNP spokesperson PBGen. Randulf ­Tuaño, maraming negosyo si Mariano kaya inaalam na ng mga imbestigador  kung  anong negosyo ang posibleng ugat ng pamamaslang dito.

“Dahil ang nasabing indibiduwal ay businessman ng iba’t ibang business ay ina-identify na lang kung anong specific business na kinabibila­ngan ng biktima ang may kinalaman sa pagpatay sa kanya,”ani Tuaño.

Pinagbabaril ng ri­ding in tandem si Mariano kung saan nadamay ang driver nitong si Norberto Orimaco sa Timog Ave. nitong Martes ng hapon.

Puspusan din ang manhunt sa mga suspek na kilala na ng mga awtoridad matapos na makita sa CCTV nang abandonahin ang motorsiklo at magpalit ng damit.

“Maganda po ‘yong resulta ng patuloy na investigation ng SIT (Special Investigation Team) ng QCPD (Que­zon City Police District) at sa tingin niya (Director Randy Glenn Silvio) po, magkakaroon ng magandang resulta ang follow-up operations na ginagawa,” dagdag pa ni Tuano.

Kilala si Mariano na nagtatag ng Bugsy Promotions and Lucky Break, na humuhubog at sumusuporta sa mga billiards enthusiast.

Tinawag din itong “Godfather of Philippine Billiards.”

PERRY MARIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with