^

Metro

Manggagawa libre sa LRT-2 sa Labor Day

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga manggagawa sa Mayo 1, Labor Day.

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, nabatid na ang libreng sakay ay maaa­ring i-avail ng mga mang­gagawa mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

“Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day ngayong Mayo 1, 2026, magkakaloob ang ng Libreng Sakay para sa lahat ng manggagawang pasaHERO ng LRT Line 2,” ayon sa LRTA.

“Ang libreng sakay na ito ay munting pagkilala sa walang sawang pagsusumikap at sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.

LRT

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with