Erwin Tulfo defamation case vs Defensor, Baligod, at ex-bodyguards

MANILA, Philippines — Nagsampa si Senador Erwin Tulfo nitong Miyerkules ng panibagong reklamong grave oral defamation laban kay dating Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, abogado na si Levi Baligod, at iba pang miyembro ng tinaguriang “18 ex-Marines” dahil sa kanilang mga akusasyon na sangkot ang senador sa maanomalyang flood control projects.
Personal na dumating si Tulfo sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office para magsampa ng grave oral defamation complaint kaugnay ng Article 358 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 of the Cyber Crime Prevention Act of 2012 laban kina Defensor, Baligod Jeron Valderama, Bernard Gumban, Virgilio Garcia, at Konsehal Ranulfo “Rannie” Ludovica.
Ayon kay Tulfo, ang reklamo ay nag-ugat sa mga pahayag na inilabas ng mga respondent sa isang press conference noong Hunyo 16, 2026 sa Mandaluyong City, kung saan iniuugnay siya sa umano’y pagtanggap ng “maleta” o perang nagmula sa mga proyektong pinopondohan ng pamahalaan. Iginiit ng senador na walang katotohanan ang mga alegasyon at paulit-ulit na niya itong itinanggi.
Muli rin niyang iginiit na wala siyang anumang infrastructure, farm-to-market road, o flood control projects na maaaring iugnay sa kanya.
- Latest






















