Higit 15K graduating students sa Valenzuela tumanggap ng educational assistance
MANILA, Philippines — Umaabot sa 15,848 graduating students mula sa mga public schools sa lungsod ng Valenzuela ang tumatanggap na ng P1,500 educational assistance mula sa city government.
Sa ilalim ito ng Ordinance No. 271, Series of 2016, na inamyendahan ng Ordinance No. 551, Series of 2019 at Ordinance No. 1110, Series of 2023, kabilang sa mga benepisyaryo ang 10,620 nagtapos sa elementarya at 5,228 Senior High School (SHS) Grade 12 graduates
Ang programa ay bilang pagkilala sa tagumpay at sipag sa pag-aaral ng mga estudyante.
Alinsunod din ito sa programa ni Mayor Wes Gatchalian na makatulong sa edukasyon para sa kinabukasan ng bawat estudyante.
Tatagal ang pamamahagi ng financial assistance sa loob ng limang araw.
- Latest















