^

Metro

Lalaki, timbog sa panununog ng tindahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaki, timbog sa panununog ng tindahan
Kasong arson ang kakaharapin ng suspek na kinilalang si alyas “Balthazar,” 29, at residente ng Leo St., sa Sampaloc sa piskalya.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang arestado matapos na umano’y sadyaing sunugin ang isang tindahan sa Sampaloc, Manila kahapon ng hapon.

Kasong arson ang kakaharapin ng suspek na kinilalang si alyas “Balthazar,” 29, at residente ng Leo St., sa Sampaloc sa piskalya.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Sampaloc Police Station 4, nabatid na dakong alas-12:43 ng hapon nang maganap ang krimen sa isang tindahan sa Visayan Avenue kanto ng Leo St. sa Sampaloc, sakop ng Barangay 572.

Sa salaysay ng ­ilang testigo, lumilitaw na bago ang insidente ay nakita nila ang suspek na lumabas ng kanyang bahay habang may dalang nag­liliyab na cardboard at saka ito biglang inilagay sa tindahan, na ­nagresulta sa isang sunog.

Mabuti na lamang umano at kaagad na naagapan ang sunog at naapula ang apoy kaya’t maliban sa tindahan ay wala nang nadamay sa sunog at wala ring nasaktan o nasawi dahil sa naturang insidente.

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with