Obstruction of justice isasampa vs security ng condo
MANILA, Philippines — Tinitignan ngayon ng Parañaque City Police ang posibleng pagsasampa ng kasong obstruction of justice laban sa security officers ng condominium kung saan nakatira ang suspek na si William de Guzman na namaril sa basketball court na ikinasawi ng dalawa katao kabilang ang isang commercial model sa Brgy. Marcelo Green, ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na taong 2024 nang sinubukan ng Paranaque City Police na arestuhin si de Guzman sa bisa ng warrant of arrest subalit bigo sila dahil sa hindi umano pakikipagtulungan ng mga security personnel.
Si de Guzman, 59 ay napatunayang guilty sa kasong homicide ng Taguig City court kaugnay sa pagpatay na naganap noong 2012.
Hindi rin nakumpiska ang dalawang baril na pagmamay-ari ng suspek.
Samantala, lumilitaw na naingayan ang suspek sa mga naglalaro ng basketball kaya walang habas itong namaril na ikinasawi ng dalawa katao habang pagkasugat ng apat na iba pa.
Beneberipika rin ang report na may problema sa pag-iisip ang suspek dahil nambubulabog nito sa ibang unit at hinahanap ang isang babae.
Mahaharap sa kasong two counts of murder, multiple counts of frustrated murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Ludy Bermudo

- Latest