QCitizens pinaalalahanan vs heat stroke

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Quezon City Health Department ang publiko partikular ang QCitizens laban sa heat stroke ngayong papalapit na ang summer season.
Ayon kay Dr. Biboy Molano ng QC Health Department, tuwing summer season, marami ang nagkakaroon ng iba’t ibang uri sakit dahil sa epekto ng mainit na panahon.
Aniya, nangunguna ang heat stroke, sinundan ng dehydration, sore eyes, dengue, skin diseases, asthma,rabies, tigdas, pigsa at food poisoning.
Pinayuhan nito ang mga may hypertension na mag-ingat at huwag lalabas ng bahay kung hindi importante ang lakad sa panahon ng tag-init.
Makatutulong din aniya ang palagiang pag-inom ng tubig at pag-iwas sa outdoor activities kung matindi ang init ng araw.
Kung may mararamdamang sakit ay agad na magtungo sa alin man sa 67 health centers sa Quezon City para mabigyang ng paunang lunas ang karamdaman at maaari ring tawagan ang QC Hotline 122 para sa anumang emergency.
- Latest















