3 kulong sa ibinulsang public fund

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang tatlong Most Wanted Persons (MWP) na umano’y nagbulsa ng public fund sa isinagawang manhunt operation sa Quezon City nitong Martes ng hapon.
Sa report na tinanggap ni QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio, nakilala ang mga inaresto na sina alyas “Brice”, 40, residente ng Santa Maria, Bulacan; “Jaypee”, 41, ng Malolos Bulacan; at “Arjay”, 33, nakatira sa Bocaue Bulacan.
Sa ulat, alas-5 ng hapon nitong Martes (Pebrero 24), nang magsagawa ng manhunt operation ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni PLt. Col. Edison Ouano.
Isinilbi sa mga suspek ang warrant of arrest (WOA) para sa Malversation of Public Funds sa pamamagitan ng Falsification of Documents, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
- Latest





















