^

Metro

Binondominium 2, tuloy na – Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluy na tuloy na ang pagpapatayo ng Binondominium 2, sa Delpan, Maynila na layong mabigyan ng maayos na pabahay ang mga informal settlers matapos na isagawa ang ground breaking ceremony kahapon ng umaga.

Kasama sina Vice Mayor Chi Atienza at mga 3rd District Councilors Maile Atienza, Fa Fugoso, Tol Zarcal, Karen Alibarbar at Jeff Lau, pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang seremonya  para sa  pagpapatayo ng  Binondominium 2 sa San Nicolas, ika-anim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Itatayo ang bagong gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 metro kuwadrado. Magkakaroon ito ng 98 residential units na may sukat na tig-40 metro kuwadrado bawat isa. Bawat unit may dalawang silid-tulugan, palikuran at banyo, kusina, dining area, at sala.

May dalawang elevator, isang opisina, daycare center, multi-purpose hall, roof deck, at iba pang pa­ngunahing pasilidad na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryong pamilya.

“Ang mahirap sa pagiging iskwater, galing ka sa eskwelahan pag-uwi mo, hindi ka sigurado kung ’yung bahay mo nakatusok pa,” aniya.

Umapela si Domagoso sa mga magiging benepisyaryo na pangalagaan ang gusali at samahan ng disiplina at pananagutan sa komunidad.

“Ang Maynila ay mananatiling mamumuhunan sa MBN: Minimum Basic Needs—housing, education, healthcare, and jobs,” aniya. “Ang gobyerno ay ­kayang pataasin ang antas ng pamumuhay ng kanyang mamamayan.”

DELPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with