^

Metro

Kahandaang medikal ng Philippine Navy, pinalakas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalakas pa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kahandaang pang-medikal ng Philippine Navy (PN) sa pamamagitan nang pagkakaloob dito ng limang cutting-edge, battery-operated, at ultra-portable na AI X-ray units.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCSO na ang ceremonial handover ay pinangunahan mismo ni PCSO General Manager Melquiades Robles at tinanggap ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta.

Ayon kay Robles, isang malaking hakbang ito para sa maritime medical capability ng Navy.

Nabatid na ang mga units ay tumitimbang lamang ng 2.4 kg kaya’t di tulad ng mga tradisyunal na X-ray machines hindi na ito mangangailangan ng isang hospital wing at isang massive power grid at madaling ibiyahe. 

Idinisenyo ang mga ito para magamit sa mga sea-borne vessels sa panahon ng emergency situations, at may built-in artificial intelligence na nagkakaloob ng agarang diagnostic leads, na nagpapahintulot para sa isang split-second medical decisions kung saan bawat segundo ay mahalaga.

Sinabi ng PCSO na ang portable X-Rays ay hindi umaaasa lamang sa fixed power source, upang matiyak ang medical readiness maging sa isang pinaka-isolated maritime environments. 

Aniya, sa pamamagitan nang pagdadala mismo ng ‘pagamutan’ sa barko, maaari nang i-diagnose ng Navy ang injuries o sakit, gaya ng TB, on-site, na makakabawas sa pangangailangan ng mapanganib na medical evacuations ng isang pasyente. 

Idinagdag naman ni GM Robles na ang donasyon ay nagpapakita lamang sa nagpapatuloy nilang  commitment upang palakasin ang mga institusyon na nagsisilbi sa mga tao, partikular na sa mga nag-o-operate sa mga kapaligirang mapanghamon at limitado lamang ang resources.

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with