^

Metro

Landers Supermarket, nasunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Landers Supermarket, nasunog
A fifth alarm fire breaks out at a commercial establishment along Belfast Avenue corner Quirino Highway in Barangay Pasong Putik, Novaliches on January 28, 2026
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang sangay ng Landers Supermarket sa Fairview, Quezon City, kahapon ng madaling araw na umabot sa 5th alarm.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-4:44 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa naturang supermarket na matatagpuan sa Belfast Ave. corner Quirino Highway sa Brgy. Pasong Putik ng nabanggit na lungsod.

Nagdulot naman ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan ang nangyaring sunog na idineklarang fire under control bandang alas-10:48 ng umaga.

Nasa 80 ­porsiyento ng establisimyento ang nasira kabilang ang nag-collapsed na mga pader. Na­ngangamba naman ang mga katabing residente sa kanilang kaligtasan dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga debris. Wala naman aniyang nasawi o nasaktan sa insidente.

Samantala, nasa hot water naman ang limang fire volunteers nang makita sa video na post ng isang Johnny Gaw Yu sa Facebook na na­ngunguha ng mga bote ng alak sa nasusunog na supermarket.

Ayon kay Supt. Anthony Arroyo, spokesman ng BFP, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang matukoy ang mga pangalan at grupo ng limang fire volunteers na nagsamantala.

Nasa 30 grupo ng mga fire volunteers ang rumesponde sa sunog.

LANDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with