^

Metro

‘Simangot’ na empleyado bawal sa Marikina

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Simangot’ na empleyado bawal sa Marikina
Ito naman ang babala ni Marikina City Mayor Maan Teodoro, sa mga kawani na nagsusungit, kunot ang noo at nakataas ang kilay sa pag­harap sa mga tax payers ng lungsod.
Marikina PIO

MANILA, Philippines — Bilang na ang araw ng mga “simangot” at “supladang” empleyado ng Marikina City Hall.

Ito naman ang babala ni Marikina City Mayor Maan Teodoro, sa mga kawani na nagsusungit, kunot ang noo at nakataas ang kilay sa pag­harap sa mga tax payers ng lungsod.

Ayon kay Teodoro, walang lugar sa city hall ang mga masusungit at supladang empleyado kasunod ng mga reklamong idinulog ng mga taxpa­yers at business owners na naranasan habang pinoproseso ang kanilang pagbabayad ng real pro­perty taxes at renewal ng business permits.

“At dito ko kailangang maging tapat. Dismayado po ako at medyo naiinis. May mga ulat at reklamo tayong natanggap na may ilang nagbayad ng RPT at nag-renew ng kanilang business permit na sinusungitan at hindi naging maganda ang karanasan,” ani Teodoro sa Monday Flag Raising Ceremony sa City Hall.

Ani Teodoro, hindi ito katanggap-tanggap, at hindi ito ang serbisyong ipinagmamalaki ng Marikina. Paalala ng alkalde, dapat maging magalang sa mga kliyente at dapat na pairalin ang serbisyo ng may ngiti sa kabila ng pagod.

“Kaya malinaw ang paalala ko sa ating lahat, maging magalang tayo sa ating mga kliyente. Tandaan po natin ang core natin—ang pag-aalaga o ang Alagang Marikina. At sa pag-aalaga, walang puwang ang nakakunot na noo, nakataas na kilay, o bibig na nakasimangot. Pagod man tayo o marami ang kausap, respeto at malasakit pa rin ang dapat nangingibabaw,” dagdag pa ng alkalde.

Pinayuhan din ni Teodoro ang mga kawani na iwasang pagpasa-pasahan ang mga requests at sa halip ay agad na tugunan ang mga inilalapit  na isyu o problema ng publiko.

EMPLEYADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with