^

Metro

MPD, naglabas ng traffic advisory sa Pista ng Sto. Niño

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglabas na ang Manila Police District (MPD) ng traffic advisory para sa idaraos na pista ng Sto. Niño de Tondo ngayong Linggo.

Sa naturang advisory, sinabi ng MPD na magpapatupad sila ng road closures at traffic rerouting scheme simula sa 12:01AM ng Enero 17 hanggang 18, 2026.

Ayon sa MPD, kabilang sa mga lansangan na pansamantalang isasarado sa daloy ng trapiko ay ang Moriones/ Sta. Maria; Moriones/ J. Nolasco; Moriones/ N. Zamora; Asuncion/ Morga; Asuncion/ Ortega; Juan Luna/ Morga; Juan Luna/ Chacon; P. Herrera/ Cano; - P. Herrera/ Ylaya at Lakandula/ Carmen Planas.

Nakatakda rin namang magpatupad ang MPD ng traffic rerouting upang maiwasan ang posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ayon sa MPD, ang lahat ng sasakyang magmumula sa Asuncion St. ay dapat na kumaliwa sa Tuazon St. o via Lakandula, Carmen Planas, P. Herrera, Juan Luna St. patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Ang lahat naman ng mga sasakyang mula sa Moriones St. patungong J. Nolasco St. ay dapat na dumiretso o dumaan sa Dagupan St. hanggang sa kanilang point of destination.

Ang mga sasakyan namang mula sa Pritil via N. Zamora St. ay maaaring kumaliwa sa Moriones St. at kumaliwang muli sa Dagupan St. patungo sa kanilang destinasyon.

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with