^

Metro

Beybi lapnos katawan sa kumukulong tubig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Beybi lapnos katawan sa kumukulong tubig
Agad na dinala ng kanyang mga magulang sa Amang Rodriguez Memorial Medical Cen­ter si alyas “Marcus” na agad namang nabigyan ng paunang lunas. Ang sanggol ay napaliguan ng kanyang yaya na si alyas “Ruby”, 57.
Pixabay / Marjonhorn

MANILA, Philippines — Nalapnos ang kalahating katawang isang  taong gulang na sanggol makaraang mapaliguan ng kumukulong tubig ng kanyang yaya sa Marikina City, kamakailan

Agad na dinala ng kanyang mga magulang sa Amang Rodriguez Memorial Medical Cen­ter si alyas “Marcus” na agad namang nabigyan ng  paunang lunas. Ang sanggol ay napaliguan ng kanyang  yaya na si  alyas “Ruby”, 57.

Makalipas ang dalawang araw ay sinabihan sila na kailangang isailalim sa scraping o pagkayod ng nasunog na balat at kailangan saksakan ng pampatulog at hindi maaring padedehin sa loob ng 24 oras.

Nabahala ang mga magulang ni Marcus  na matapos ang  24 oras ay sabihan sila  ng isang resident physician na dehydrated na kaya dapat nang padedehin.

Mas lalo pang tumindi ang galit at pangamba ng magulang ni Marcus nang matapos ang dalawang  araw ay sinabi ng ospital na hindi kakayanin ng ospital ang nasabing procedure.

Hanggang 30% degree burn lang ang kaya ng ospital habang nagtamo naman ng 40% degree burns si Marcus.

Sinabihan na lamang sila ng  ospital na ilipat sa ibang ospital si Marcus kung saan kanilang iko-coordinate upang agad na malunasan.

Ayon sa magulang ni Marcus, dismayado sila sa sistema ng nasabing ospital na dapat na tutukan ng  city government.

BEYBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with