^

Metro

Walang business permit, palengke sa Pasay ipinasara

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng mga paglabag at hindi pagsunod sa mandatory requirements sa pagkuha ng business permit, tuluyang nang ipinasara ng Pasay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang isang pribadong palengke sa Taft Avenue, noong Biyernes, Disyembre 19.

Batay sa Closure Order, ang may-ari ng nasabing palengke na si Yok Tin Tan So, ay paulit-ulit na lumabag sa mga regulasyon at alituntunin sa pagkuha ng wastong business permit upang makapag-operate ng palengke. Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Pasay City BPLO kung saan nakitaan ng paulit-ulit na paglabag ang may-ari ng naturang palengke tulad ng kawalan ng Building Permit, walang Occupancy Permit, at walang Sanitary Permit.

Makailang ulit na rin umanong pinadalhan ng Notice to Comply ang may-ari ng palengke mula pa noong December 2024 kung saan ang pinakahuli ay noong June 25, 2025, subalit patuloy itong nagsawalang-kibo at hindi tumalima sa pagsusumite ng mga kaukulang requirements para makakuha ng karampatang business permit.

Mahigpit ang babala ng pamunuan ng Lungsod ng Pasay para sa lahat ng mga nagnenegosyo at nagpapatakbo ng mga business establishments sa lungsod na seryoso ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga alituntunin para sa pagkuha ng kaukulang business permit.

CLOSURE ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with