No ‘ghost projects’, drainage maayos na – Neopolitan homeowners
MANILA, Philippines — Walang ‘ghost projects’ at nakumpleto ang flood control matapos maisaayos ang drainage sa Novaliches, Quezon City.
Ito ang paglilinaw ng Neopolitan IV Britanny Executive Village Homeowners Association Inc . (NBEVHAI) kasunod ng paratang na ang flood control projects sa kanilang lugar ay “ghost projects”.
Ayon sa NBEVHAI, kumpleto at maayos na ang daloy ng tubig at pagpigil sa baha ng naturang proyekto na malaking bahagi ng Novaliches.
Sa isang resolusyon na inaprubahan ng Board of Directors noong Nobyembre 8, 2025, sinabi ng homeowners na ang flood control projects sa Neopolitan IV Britanny na pawang nasa main at annex na seksyon ay lehitimong proyekto ng gobyerno upang matugunan ang problema sa drainage at kaligtasan ng mga komunidad na nakapalibot dito.
“The Association denounces anyfalse narratives or political misuse of these public works that distort theirtrue purpose and context,” dagdag pa ng naturang mga opisyal.
- Latest



















